PPO Camarines Sur nagpadala ng team na tutulong sa paghahanap sa mga sakay ng Cessna plane 340

NAGA CITY – Nagpadala ng Search and Rescue Team ang Police Provincial Office ng Camarines Sur sa lalawigan ng Albay na tutulong sa paghahanap ng Cessna plane 340 at mga sakay nito.

Pero bago pa man makarating, nakita na ang private plane , 1.5 kilometro ang layo sa crater ng Bulkang Mayon ng unang binuong team.

Ayon kay PMAJ. Maria Victoria Abalaing ang tagapagsalita ng PPO-Camarines Sur, tumulak ang grupo papuntang Albay  kahapon ng hapon kung saan binubuo ito ng 25 na pulis na well-trained sa Search and Rescue Operations na pinamumunuan ni PCapt. Mark Spaña ng Sagña PNP. Ang PPO-Camarines Sur ay nagpadala din nang apat na Patrol Cars.

Nakita man ang eroplano, tutulong pa rin ang team sa paghahanap ng apat na sakay nito ngayong araw.

Umaasa sila na may mga nakaligtas.

Mababatid na nawala ang eroplano ilang minuto matapos na lumipad mula sa Bicol International Airport noong Sabado Feb. 18, 2023. Kaagad na ikinasa ang search and rescue operation sa Albay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *