Prayer rally para kay Albay Gov. Rosal, dinumog ng mga tagasuporta sa Peñaranda Park, Legazpi City

LEGAZPI CITY – Hindi inalintana ng mga tagasuporta ni Albay Governor Noel Rosal ang init ng panahon kahapon upang magbigay ng supporta sa isinagawang prayer rally sa Peñaranda Park sa Albay District lunsod ng Legazpi.

Dinumog ng supporters mula sa iba’t ibang mga bayan at lunsod sa lalawigan upang makiisa sa gawain para sa disqualification case na kinakaharap ng gobernador.

Kanya-kanyang bitbit na mga placards ang mga supporters upang ipakita ang kanilang pagmamahal sa opisyal.

Humigit-kumulang 10K mga supporters ang dumalo sa prayer rally na pinangunahan ni Bishop Joel Baylon.

Sinundan ito nila Monsinyor Ramon Tronqued ng Diocese of Legazpi at iba pang religious supporters sa Albay upang magbigay ng mensahe sa gobernador.

Kung babalikan, si Rosal ay sinampahan ng disqualification case noong Abril ni Joseph San Juan Armogila, isang tricycle driver na kumandidato rin subalit natalo bilang konsehal ng Legazpi City. Pinaboran ng COMELEC 1st division si Armogila base sa ipinalabas nitong desisyon noong Setyembre 19, 2022.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *