Prayer rally para sa mag-asawang Rosal sa Albay, dinagsa ng mga tagasuporta

LEGAZPI CITY – Muling dinagsa ng mga tagasuporta ng mag-asawang Albay Gov. Noel Rosal at Legazpi City Mayor Geraldine Rosal ang ikalawang prayer rally na isinagawa sa Albay Peñaranda Park sa lunsod ng Legazpi nito lamang Sabado ng hapon.

Kaugnay ng nasabing aktibidad ang disqualification case na kasalukuyang kinakaharap ng mag-asawang opisyal.

Karamihan sa mga dumalo ay may mga bitbit na placards na nagpapahag ng kanilang mga suporta sa mag-asawa.

Matatandaang naunang lumabas ang desisyon ng COMELEC 1st division para sa disqualification case na isinampa ni Joseph Armogila laban sa gobernador at sumunod namang lumabas ang desisyon ng COMELEC 2nd division laban kay Mayor Geraldine Rosal na parehong isinampa ni Armogila.

Samantala, nito lamang nakaraang lingo, pinayagan na ng COMELEC 1st division ang pagsasagawa ng recount sa nakaraang halalan sa pagkaalkalde nito sa Legazpi City na kaugnay naman ng inihaing election protest ni Cong. Alfredo Garbin sa umanoy iregularidad at mga hindi nabilang na balota.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *