PRC, ipapagamit ang mga isolation facilities para sa clinical trial ng Ivermectin

Bukas ang Philippine Red Cross (PRC) na ipagamit ang kanilang isolation facilities bilang sites para sa clinical trials sa paggamit ng antiparasitic drug ivermectin sa COVID-19 treatment.

Ayon kay PRC Chairman and Senator Richard Gordon, lumapit na sa PRC ang mga researchers ng clinical trials para gamitin kung sakali ang kanilang mga pasilidad.

Aniya, papayag umano rito ang PRC bastaโ€™t sasabihin ng Food and Drug Administration (FDA) na di ito makakasama sa mga pasyente.

Mababatid na sinabi ng Department of Science and Technology (DOST) na magfo-focus ang trials sa non-severe COVID-19 patients na asymptomatic o mayroong mild at moderate symptoms.

Magsisimula ang clinical trials sa katapusan ng Mayo hanggang simula ng Hunyo habang posibleng ilabas ang resulta sa 2022, depende sa bilang ng pasyenteng magvo-volunteer sa study.

Kung matatandaang, mayroong mga doktor na payag gamitin ang ivermectin laban sa COVID-19 pero nagbabala ang ibaโ€™t-ibang medical groups laban sa pagrereseta nito dahil sa posibleng health risks. (VELLA GONZAGA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *