Prehistoric na higanteng isda, biyaya sa mga mangingisda sa Bolivia

Isang higanteng biyaya ang dulot ng higanteng isda na itinuturing na living fossil sa mga mangingisda sa Bolivia.

Ito ay ang Paiche o apaima fish (Arapaima gigas), isang giant freshwater fish na isang malaking tulong sa ekonomiya ng naturang bansa.

Sa nakalipas na 15 taon, malaki ang naimbag ng higanteng isda ito sa buhay ng mga naninirahan sa Amazonian region ng Bolivia.

Batay sa isinagawang pag-aaral kasabay sa Peces para la Vida o “Fish for Life” project, ang isdang paiche ay unang nakita sa Bolivia noong 1976.

Native fish ito ng northern areas ng Amazon kabilang na ang Brazil at Peru.

Ito ay umaabot sa halos 3 meters (10 feet) ang haba at posibleng umabot ang timbang sa 400 pounds, mas malaki at mabigat pa sa tao.

Hindi ito itinuturing ng gobyerno ng Bolivia bilang invasive species sa kabila ng kawalan ng natural predators.

Sa kabila ng naidudulot na benepisyo sa mga lokal na mangingisda ay inirerekomenda ng gobyerno na kontrolin ang kanilang bilang kaysa sa tuluyang puksain ang kanilang populasyon sa Bolivian freshwaters. | via AFP/AP

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *