Prelim investigation sa kasong vs suspek sa Percy Lapid slay case, itinakda ngayong araw

Itinakda ngayong araw ang preliminary investigation sa reklamong murder na isinampa laban sa self-confessed gunman na si Joel Escorial at sa tatlo pang kasabwat nito sa pagpatay sa radio broadcaster na si Pervical Mabasa, na kilala rin bilang Percy Lapid.

Isasagawa sa Department of Justice (DOJ) ang prelimanary investigation nina Escorial, Israel Dimaculangan, Edmund Dimaculangan, at isang Orly alas-10 ngayong umaga.

Si Lapid ay binaril habang pauwi sa Las PiƱas City noong Oktubre 3.

Sumuko si Escorial sa pulisya dahil sa takot sa kanyang kaligtasan at iniharap siya sa media noong Oktubre 18 ni Interior Secretary Benhur Abalos.

Ang tatlong kasabwat na hanggang ngayon ay pawang kinilala ni Escorial sa kanyang pahayag sa pulisya.

Samantala, sinabi ni Kraft noong Linggo na naresolba ang kaso ng pagpatay kay Lapid nang matukoy at madakip ang mga suspek bagama’t nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *