Preliminary investigation ng DOJ sa Socorro Bayanihan Services, lumarga na

Umalis na sa Senado ang mga lider ng Socorro Bayanihan Services Inc upang magtungo sa Department of Justice (DOJ) para sa preliminary investigation.

Kabilang na rito sina Jay Rence Quilario alyas Senior Aguila, Mamerto Galanida, Karren Sanico, at maging si Janeth Ajoc.

Tatalakayin sa naturang imbestigasyon ang mga alegasyon hinggil sa reklamong trafficking, kidnapping, serious illegal detention at child abuse laban sa leaders ng SBSI.

Samantala, dumating na sa tanggapan ng DOJ ang mga umano’y biktima ng organisasyon.

Kung maaalala, una nang isiniwalat ni Senadora Risa Hontiveros na ang SBSI umano ay isang kulto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *