Pres. Duterte aprubado na ang P4,000 per family na ayuda sa mga nasa ECQ areas

Pinasamalatan ni Senador Christopher Bong Go si Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang naging tugon nito sa apela ng senador na mabigyan ng ayuda ang mga pinakamahihirap na maaapektuhan ng ECQ sa NCR simula Agosto 6 hanggang 20.

Kinumpirma ni Go na inaprubahan ng Pangulo kagabi ang pondo para sa financial assistance ng mga residenteng maapektuhan ng lockdown.

Nagkakahalaga umano ito ng isang libong piso kada kwalipikadong indibidwal sa NCR, na may maximum na apat na libong piso kada pamilya.

Sa pamamagitan ng ayudang ito sinabi ni Go matutulungan ang mga mahihirap na kababayan na maitawid ang kanilang pamilya habang apektado ang kanilang kabuhayan dahil sa ECQ, lalo na ang mga daily wage earners at mga “isang kahig, isang tuka”.

Inihayag din ng senador na batay umano sa datus ng DBM, NEDA, at iba pang mga ahensya mahigit 13 milyon ang populasyon sa NCR at 80% nito o mahigit 10.8 milyong indibidwal ang mabibigyan ng ayuda.

Ang naturang pondo ay direktang ida-download sa mga LGUs sa NCR kung kaya’t nananawagan si Go sa mga lokal na pamunuan na siguraduhing maibibigay kaagad ang ayuda sa mga tamang benepisyaryo sa isang maayos, mabilis at ligtas na paraan na walang katiwalian.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *