Pres Duterte sa mga ayaw magpabakuna vs COVID-19, “ihanda ang funeral plan!”

Patuloy ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Pilipino na magpabakuna laban sa COVID-19.

Sa kanyang ‘talk to the people’ address kagabi sinabi ng Pangulo na para sa mga ayaw pa rin magpaturok kapag may sapat nang suplay ng COVID-19 vaccines, mas mainam na maghanda na ito ng kanilang funeral plan.

Ayon sa pangulo dapat magdesisyon na ang mga ito ngayon pa lamang kung bibili ba nang kabaong o magpapasunog o cremation.

Dapat na din umanong maghanap ng pwesto sa mga sementeryo ang mga taong hindi magpapabakuna laban sa COVID-19.

Iginiit ng Punong ehekutibo na ginagawa ng pamahalaan ang lahat para makakuha ng vaccines sa kabila ng limitadong suplay nito sa world market.

Pero sa kabila nito marami pa rin ayon sa Pangulo ang ayaw magpaturok ng COVID-19 vaccines.

“In face the reality of death and the number of namamatay, ayaw pa ninyong magpabakuna, wala na ako.. ginawa na namin ang lahat. sabi nga, kapag nabili ‘yung lahat ng bakuna, sobra kasi maraming tumatanggi”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *