Pres. Marcos, balik-Singapore ngayong araw

Sa ikatlong beses bilang Presidente balik-Singapore ngayong araw si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. para sa 10th Asian Conference.

Ayon sa Malakanyang, ibibida ni Pangulong Marcos sa mga economic managers at business leaders sa Singapore ang mga hakbang na ginagawa ng kanyang administrasyon sa Pilipinas upang mapabuti ang buhay ng mga Pilipino.

Makikipagpulong ang Pangulo sa iba’t ibang business leaders para palakasin ang ugnayan ng bansa sa ekonomiya at ang posibleng partnership ng Pilipinas at Singapore sa ilang industriya.

Mananatili ang Chief Executive sa Singapore hanggang Linggo, September 17.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *