President Duterte, iginiit na hindi mahihinto ang kurapsyon sa gobyerno

Iginiit ni President Rodrigo Duterte na maaaring mabawasan kurapsyon sa gobyerno pero hindi umano ito mahihinto.

Ayon kay Duterte, endemic na ang corruption kung saan malaki ang nagiging epekto ng pera sa isang indibidwal.

Matatandaang sinabi niya noong July 2021 na hindi mapupuksa ang kurapsyon sa pamahalaan sa loob ng isang araw lang.

Samantala, inihayag ng pangulo na tinanggal na niya sa pwesto ang ilang corrupt officials sa Bureau of Customs (BOC) at Bureau of Immigration (BI). (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *