Press freedom, mahalaga sa demokrasya ng bansa ayon sa Pangulo

Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na ang press freedom ay susi sa demokrasya ng Pilipinas.

Sa video greeting ng Pangulo para sa ikalimang anibersaryo ng Presidential Task Force on Media Security ay ipinunto niya na mahalaga ang papel ng PTFoMS sa pagprotekta sa kalayaan at kaparatan ng mga mamamahayag.

Umaasa naman ang Punong Ehekutibo na maipagpapatuloy ng task force ang mandato nito na may excellence.

Kamakailan ay naharap ang Pangulo sa mga pambabatikos dahil sa mga hamon na hinarap ng mga Pilipinong journalists sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Kasunod ito ng pagkakapanalo ng nobel peace prize ni Rappler CEO Maria Ressa ngayong taon dahil sa pagdipensa nito sa freedom of expression.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *