Presumptive VP Sara Duterte, hahabol sa proklamasyon sa nanalong Presidente at Bise

Sisikapin ni presumptive vice president Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, na dumalo sa proklamasyon ng vice president-elect sa Kongreso sakaling matapos ang canvassing ng mga boto ngayong araw.

Ito ang inihayag ng tagapagsalita ni Duterte-Carpio na si Liloan, Cebu Mayor Christina Garcia Frasco.

Ayon kay Frasco, may mga pagpupulong ang Davao City mayor sa Iloilo at Antique, kung saan dadalo rin siya sa burol ng isang supporter na umano’y nagbuwis ng sariling buhay matapos ma-bully online.

Gayunpaman, sinabi ni Frasco na ipinaalam na nila kay Mayor Sara na posibleng isagawa ang proklamasyon sa ngayong araw.

Tiniyak umano ng Alkalde na sisikapin nitong dumalo sa proklamasyon at gagawin ang lahat ng kanyang makakaya upang makarating sa Maynila sa tamang oras.

Una nang kinumpirma ng running-mate nitong si presumptive president Bongbong Marcos ang pagdalo sa isasagawang proklamasyon sa mananalong Presidente at Bise – Presidente sa isinagawang May 9 Elections.

Leave a Reply

Your email address will not be published.