Presyo ng asukal sa Metro Manila, lalo pang tumaas

Tumaas ang presyo ng asukal sa Metro Manila mula sa levels na nakita sa nakalipas na taon, kung saan sinabi ng mga producers na maari itong mabaliktad kung bababa ang presyo ng langis at fertilizer.

Batay sa monitoring ng Department of Agriculture (DA), lumalabas an ang mga presyo sa Metro Manila ay naglalaro mula P90 hanggang P110 kada kilo para sa refined; P83 hanggang P95 kada kilo para sa washed; at P80 hanggang P97 para sa brown sugar as of January 13.

Matatandaan na sa nakalipas na apat na buwan, ang average prices ay naitala sa P95 para sa refined; P75 para sa washed; at P70 para sa brown.

Ayon sa United Sugar Producers Federation of the Philippines (UNIFED), ang mataas na presyo ay dahil sa traders at retailers, at hindi ang mga planter.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *