Presyo ng bigas sa bansa imposibleng manyari maibaba sa P20 bawat kilo

LEGAZPI CITY – Imposible na magagawa ng uupong Pangulo ng bansa na si Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na maibaba pa ang presyo ng Bigas sa bansa.

Ito ang sinabi ni Jason Delgado, isang magtitinda sa Legazpi Public Market sa Brigada News Fm matapos umanong mangako si Marcos na pag-upo niya ay ibaba nito ang presyo ng bigas.

Ayon kay Delgado, sa kabilang ng pagtaasan ng mga bilihin at sabayan pa ng pagtaas din ng gasolina sa bansa baka hindi na mangyari na maibaba ang presyo ng bigas.

Aniya, alanganin na ang pagbaba ng bigas dahil sa mahal na rin ang abono na ginagamit sa pampataba ng lupa. Pumapalo na rin kasi sa P16 hanggang P18 na presyo ng palay bawat kilo at magkokonsumo pa ito ng gasolina o kuryente para sa pagmomolino Simula ng pumasok ang buwan ng Enero ay unti unti ng tumataas ang presyo ng Bigas.

Sinabi pa nito, kailangan gumawa na ng paraan ang gobyerno para pigilan ang patuloy ng pagtaas ng presyo ng bigas sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *