Presyo ng Bigas sa Merkado publiko sa Legazpi City, patuloy parin tumataas

LEGAZPI CITY – Walang humpay ang patuloy na pagsipa ng presyo ng mga bigas sa Legazpi City public market simula ng pumasok ang buwan ng Enero hanggang buwan ng Hunyo sa taon 2022.

Ayon kay Jason Delgado, patuloy pa rin tumataas ang presyo ng mga bigas sa public market dahil sa tumataas rin ang mga bilihin at gasolina.

Aniya, apektado ang mga magsasaka dahil sa nagmamahalan na rin ang bilihin sa Abono. Mapipilitan rin ang manininda na taasan ang presyo ng bigas kung saan dumagdag sila ng P1 hanggang P2 bawat kilo ng bigas o tumaas ng P50 ang bawat sako ng bigas.

Ang Pagtaas ng presyo ng bigas ay mayroon din kinalaman sa nangyayaring gyera sa pagitan ng Russia at Ukraine kung saan nagmamahalan na rin ang gasolina at iba pang mga bilihin.

Nananawagan na rin ang mga manininda sa gobyerno na tulungan at gumawa na ng paraan para mapigilan ang patuloy na pagtaas ng mga bilihin sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *