Presyo ng bulaklak sa Legazpi Public Market, bahagyang tumaas – Legazpi Flowers Vendors Association

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Legazpi Flower Vendor’s Association na bahagyang tumaas ngayon ang presyo ng mga bulaklak sa Legazpi City Public Market.

Ayon kay Gemma Adornado, ang pangulo ng nasabing asosasyon, kokonti lang naman ang itinaas ngayon ng presyo ng mga bulaklak sa lunsod dahil na rin sa pagtaas ng mga bilihin sa merkado sa bansa at nakaapekto rin umano ang pagtaas ng presyo ng gasolina.

Maliban pa rito, isa pa sa mga tinitingnang dahilan ng pagtaas ng presyo ng bulaklak ay ang pagpasok ng bagyong Paeng sa rehiyon, kung saan marami ang nakanselang biyahe papuntang Maynila vice versa.

Aniya, nasa P30-50 ang itinaas ngayon ng presyo ng bulaklak at magdedepende rin ito sa pagkagawa at ginamit na materyal sa pagdidisenyo ng mga ito.

Hindi umano maaaring mananatiling mababa ang presyo ng bulaklak dahil malulugi ang mga ito. Umaasa si Adornado na makakabawi sila ng kita ngayong taon dahil maluwag na rin ang restrictions sa mga sementeryo kumpara sa nakaraang taon na halos kokonti ang bumili.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *