CAMARINES NORTE- Hindi pa man lang halos nakakahinga ng maluwag ang mga motorista lalo na ang nasa public transport dahil sa mataas na presyo ng produktong, panibagong bigat ng pasanin na naman ang kanilang babalikatin dahil sa muling pagtaas ng presyo nito epektibo simula nitong Martes February 21.
Yan ay matapos ang ilang magkakasunod na rollback nitong mga nagdaang tatlong linggo.
Nataon pa man din ang panibagong pagtaas ng presyo ng petrolyo sa panahon ng renewal ng prangkisa ng tricycle.
Sa pag- iikot ng Brigada News sa ilang gasolinahan sa lalawigan napag alamang naglalaro na naman ngayon sa mahigit P63 hanggang P70 ang kada litro ng diesel.
Sa Shell Mancruz P65. 90 ang presyo ng kada litro ng kanilang fuel save diesel, P70. 45 sa V power diesel, P71. 85 sa fuel save gasoline at P73. 45 sa V- power gasoline.
Sa Seaoil P63. 65 ang kada litro ng kanilang diesel, P69. 45 sa Extreme U at P69. 95 sa Extreme 95.
Ganito rin ang presyuhan sa Ptt gasoline station para sa kanilang Blue Gasoline 93+ at Blue Gasoline 95+ maliban sa diesel na mas mababa ng bahagya sa P63. 35
Sa Total P65. 80 ang kada litro ng kanilang diesel, P70. 55 sa unleaded at P71 sa premium.
Sa Phonenix P65.80 ang kada litro ng kanilang diesel, P71. 55 sa super unleaded at P72. 55 sa premium.
Pinakamababa naman ang presyo sa PetroGazz Basud na nasa P62. 80 ang unleaded, P68. 80 sa kanilang GPrime 91 habang P69. 80 ang kanilang GPremium.
Kumpara sa mga karatig lalawigan mas mahal ang presyo ng petrolyo sa Camarines Norte.
