Presyo ng diesel sa Camarines Norte nasa mahigit P62 na lang, gasolina halos P70 pa rin kasunod ng malaki- laking rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo

CAMARINES NORTE- Bumaba ng mahigit limang piso ang presyo ng diesel at mahigit tatlong piso naman sa gasolina kasunod nang ipinatupad na rollback ng mga kumpanya ng langis epektibo nitong Martes, Pebrero 14.

Dahil dito naglalaro n lang ngayon sa mahigit P62 ang kada litro ng diesel habang mahigit P70 naman sa gasolina dito sa Camarines Norte na mas mataas pa rin kumpara sa mga kalapit lalawigan.

Sa Shell Mancruz, nasa P64. 85 ang kada litro ng kanilang fuel save diesel, P69. 35 sa V power diesel, P70. 95 sa fuel save gasoline at P72. 55 sa V power gasoline.

Sa Seaoil P62. 60 ang kada litro Exceed diesel, P68. 55 sa Extreme U at P69.05 sa Extreme 95.

Ganito rin ang presyuhan sa PTT gasoline station para naman sa kanilang blue diesel, Blue Gasoline 93+ at Blue Gasoline 95+.

Sa Total P64. 75 ang kada litro ng diesel, P69. 65 sa unleaded at P70. 15 sa premium.

Sa Phoenix P64. 75 ang diesel, P70. 65 ang unleaded at P71. 65 sa premium.

Pareho naman ang presyuhan sa tapat nitong  Petron Pandan.

Umaasa lalo naman ang mga operator ar driver ng public transport na magtutuloy- tuloy pa ang pagbaba ng presyo ng petrolyo sa mga susunod na araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *