Presyo ng diesel sa Camarines Norte umabot ng hanggang P87 kasunod ng mahigit P6 taas presyo, gasolina tumaas naman ng mahigit piso

CAMARINES NORTE- Umaabot ng hanggang P87. 14 ang presyo ng kada litro ng diesel sa Daet, Camarines Norte kasunod ng mahigit P6 pagtaas epektibo simula nitong Martes, October 10.

Mahigit piso naman ang itinaas sa presyo ng kada litro ng gasolina.

Sa Shell Mancruz, umaabot na sa P82. 15 ang presyo ng kada litro ng kanilang fuel save diesel, P87. 14 sa V power diesel, P74. 96 sa fuel save gasoline at P76. 94 sa V power gasoline.

Sa Seaoil P81. 15 na ang presyo ng kada litro ng diesel, P72. 70 sa Extreme U at P73. 20 naman sa Extreme 95.

Ganito rin ng presyuhan sa Ptt gasoline station para sa kanilang  blue diesel, Blue Gasoline 93+ at Blue Gasoline 95+.

Sa Petron Pandan P82. 15 ang kada litro ng diesel, P74. 95 sa Xtra advance, P75. 95 sa XCS at P84. 15 sa Turbo diesel.

Sa katapat naman nitong Phoenix petroleum, P82. 15 sa diesel, P74. 95 sa super unleaded at P75. 45 sa premium.

Dahil sa panibagong pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo umaaray lalo na ang mga tricycle driver na hanggang ngayon ay hindi pa natatanggap ang kanilang fuel subsidy mula sa national government na ipinangako sa kanila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *