Presyo ng gasolina sa Camarines Norte naglalaro na sa P85. 35 hanggang P86. 84 kada litro, presyo naman ng diesel  P75. 45 hanggang P80. 44

CAMARINES NORTE- Naglalaro na ngayon sa P85. 35 hanggang P86. 84 ang kada litro ng gasolina sa lalawigan ng Camarines Norte habang P75. 45 hanggang P80. 44 naman sa diesel kasunod ng ipinatupad na oil price adjustment nitong Martes, May 24.

Nagkaroon kasi ng dagdag bawas o nagpatupad ng increase sa gasolina habang nag- rollback naman sa presyo ng diesel.

Sa Shell Mancruz nasa P76. 44 ang kada litro ng Fuel save diesel, P80. 44 sa V- Power diesel, P85. 84 sa Fuel Save gasoline at P86. 84 naman sa V- Power gasoline.

Sa Caltex nasa P75. 45 ang kada litro ng diesel, P84. 85 sa kanilamg Silver gasoline at P85. 35 naman sa Platinum.

Pareho ang presyuhan sa katabi nitong Seaoil gasoline station para naman sa kanilang Exceed diesel, Extreme U at Extreme 95.

Ganito rin ang presyuhan sa Ptt Gasoline station para naman sa kanilang  BlueDiesel, Blue Gasoline 93+ at Blue Gasoline 95+.

Wala ring  pinagkaiba ang presyuhan sa Petron Pandan para naman sa kanilang diesel, Extra Advance at XCS habang ang kanila namang Turbo diesel ay nasa P77. 45.

Ganito rin ang presyuhan sa katapat nitong Phoenix petroleum para s akanilang diesel, Super unleaded at premium.

Dahil dito patuloy na umaalma ang mga motorista dahil sa mataas na presyo ng produktong petrolyo.

Apektado na rin ang presyo ng mga prime at basic necessities kung saan tumaas ng nasa anim hanggang pitong porsiento ang presyo ayon naman sa Department of Trade and Industry.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *