Presyo ng imported onions, maaaring umabot lang sa P100 kada kilo sakaling aprubahan ang importation nito

Posibleng umanong bumaba sa P100 hanggang P150 o mas mababa pa ang kilo ng imported na sibuyas na naapbrubahan ang rekomendasyong importation ng 22,000 metric tons ng sibuyas.

Ayon kay DA deputy spokesperson Asec. Rex Estoperez, kasalukuyan nang hawak ni Agriculture Senior Usec. Domingo Panganiban ang naturang rekomendasyon at nakatakda itong padiskusyonan kasama si Pangulong Bongbong Marcos.

Pagtitiyak ni Estoperez, magiging maingat at mabusisi sila sa mga darating na imported onions.

Una nang sinabi ng DA na sinisikap nilang mabalanse ang consumer demand sa kapakanan ng mga producers.

Dahil dito, nakasaad sa rekomendasyon na 25% ng imported onions ay dadalhin sa Mindanao, 25% sa Visayas, at 50% sa Luzon.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *