Tumaas ang presyo ng itlog sa ilang palengke sa Metro Manila.
Ayon sa ilang nagtitinda, halos linggo linggo na tumataas ang presyo ng mga itlog.

Ang dating P160 kada tray ngayon ay umaabot na sa P195 pesos.
Dagdag pa ng mga nagtitinda bawat deliver ng itlog ay tumataas ng piso hanggang limag piso kada tray.
Sabi naman ng Egg Board Association na isa sa mga nakakaapekto sa pagtaas ng presyo ay ang pagkawasak ng maraming poultry farm dahil sa mga nagdaang bagyo.