Pumalo na sa mahigit labing-siyam na piso per kilowatt ang presyo ng kuryente sa Olongapo City.
Base sa inilabas na abiso ng Olongapo Electricity Distribution Company Inc., tumaas ng 2.25pesos ang presyo nito ngayong buwan ng Pebrero.
Mula sa 16.98/kWh noong January billing ay pumalo na ito ng 19.23kWh sa February billing.
Nananatili naman sa Php 1.1210/kWh at hindi nagbabago simula pa noong 2018 ang singil sa distribution charge ng OEDC.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
