Presyo ng kandila sa supermarket wala pang naging paggalaw mula ng tumaas ang presyo nito nang hanggang 9 percent noong Setyembre

CAMARINES NORTE- Mahigit isang linggo bago ang undas wala pang naging paggalaw sa presyo ng kandila sa mga supermarket sa Camarines Norte makaraang maitala ang hanggang sa mahigit siyam na porsientong pagtaas ng presyo nito noong Setyembre.

Batay ito sa datos ng Department of Trade and Industry (DTI) na ibinahagi sa Brigada News FM Daet ni Consumer Protection Division Head Alvin Sayno nitong Biyernes, October 21.

Makikita sa  datos na tumaas ng P2. 70 hanggang  P11. 25 o mula 7. 66 % hanggang 9. 16 % ang presyo ng kandila noong September 19,  2022.

Wala nang nabago sa presyo ng mga sumunod pang monitoring.

Maliban sa kandila nagkaroon din ng bahagyang pagtaas sa presyo ng bottled water na 0.65 %, kape 1. 28  % hanggang 6. 33 % , meat loaf na nagkaroon ng pagtaas na 0. 63 % hanggang 0. 67 % at toyo na mayroong 0. 15 hanggang 0. 80 percent sa panahong nabanggit.

Ang pagtaas sa presyo ng mga nabanggit na produkto ay dahil umano sa pagtaas sa presyo ng raw and packaging materials, production at iba lang logistical cost bunsod naman ng mataas na presyo ng petrolyo.

Ani Sayno, pasok pa naman sa SRP ang naitalang pagtaas sa presyo ng mga nabanggit na produkto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *