Pinangangambahan ng ilang political analyst sa bansa na maudlot ang sunud-sunod na rollback sa presyo ng producktong petsolyo sa mga susunod na linggo dahil sa mas tumitingding kaguluhan sa Israel.

Sa panayam ng Brigada News FM kay Prof. Clarita Carlos, sinabi nito na nagkakaroon na ng pagkakampi-kampihan ang ilang bansa sa pagitan ng giyera ng Israel at Hamas na hindi malabong maapektuhan ang produksyon ng langis.
Dagdag pa ni Prof. Carlos, malaking bahagi ng produksyon ng langis sa buong mundo ay nanggagaling sa mga bansa sa middle east kaya asahan na aniya ang muling pag-arangkada ng presyo ng petrolyo.
Samantala, una na ring inihayag ng Department of Energy (DOE) na patuloy nilang binabantayan ang epekto ng giyera sa local petroleum price na bahagya ng tumaas ang presyo sa unang araw ng trading ngayong linggo dahil sa biglaang pag-atake ng Hamas sa Israel.