Presyo ng langis wala pang indikasyong bumaba – Oil Industry Management Bureau

Wala pang nakikitang posibilidad ng pagbaba sa presyo ng produktong petrolyo sa mga susunod na araw ang Oil Industry Management Bureau.

Ayon kay OIMB – Department of Energy Assistant Director Rodela Romero patuloy na sinisikap ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) na mabalanse ang supply at demand ng langis sa pandaigdigang merkado.

Sa ngayon ayon kay Romero talagang mataas pa rin ang supply ng langis sa mundo dahil maraming mga ekonomiya ang unti-unti nang nakakarekober mula sa pandemya.

Maliban dito nakaapekto din sa presyo ng petrolyo sa world market ang mga nangyaring geo-political conflict kamakailan sa mga oil producing nations.

Nabatid na unang inanunsiyo ng mga oil companies ang taas-presyo sa mga produktong petrolyo simula bukas kung saan asahan ang P0.75 hanggang P0.90 increase sa kada litro ng gasolina,P0.95 hanggang P1.05 sa kada litro ng diesel, at P0.80 hanggang P0.90 naman sa presyo ng kerosene.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *