Presyo ng Louis Vuitton plane-shaped bag, pambili na ng totoong eroplano

Mas mahal pa sa totoong eroplano ang presyo ng bagong luxury bag ng Louis Vuitton na may desinyong eroplano.

Ayon sa website ng LV, ang aviation-inspired men’s bag ay bahagi ng Fall/Winter 2021 collection.

Ito ay nagkakahalaga ng $39,000 o nasa £28,000.

Ang naturang bag ay idenesenyo ni Virgil Abloh na mayroong signature monogram pattern ng LV, may pakpak, may engines, may ilong at buntot rin kagaya sa totoong eroplano.

Ngunit, hindi naman ito nakaligtas sa mga netizens na sinabing nakapa-impraktikal ang pagbili ng naturang bag.

Anila, ang presyo nito ay sapat na para makabili ka ng totoong eroplano. AFP | Mike Salgado

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *