Presyo ng mga noche buena  products  sa Naga City minomonitor na

NAGA CITY – Inaasahan ng publiko o ng mga mamimili ang pagtataasan sa mga presyo ng mga noche Buena products ngayong paparating na kapaskuhan.

Pero inilabas na ng Department of Trade and Industry Office (DTI) central office ang  mga suggested retail price para sa mga pangunahing pagkaing ito tuwing Pasko at Bagong Taon.

Kabilang sa mga noche Buena products ay ang ham, keso de bola, cheese, sandwich spread, mayonnaise, pasta, macaroni at sauce  at iba pa.

Ito ang inihayag na impormasyon sa Brigada News FM Naga ni City Councilor Jess Albeus , Chairman ng Consumers Protection at ng Naga City Price Coordinating Council.

Ayon sa konsehal, mag-iikot sila sa mga pamilihan sa lungsod para malaman kung may nagpapatupad na pagdagdag sa mga presyo ng mga nabanggit na noche buena products sa lungsod.

Napag-alaman na kung meron man dapat nasa  10 hanggang 27 percent lamang ang magiging karagdagang presyo mula sa dating halaga nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *