Posible na namang tumaas ang presyo sa mga produktong petrolyo bukas.
Sa abiso ng mga oil companies, tinatayang magtataas ng P0.80 hanggang P1.00 kada litro ang presyo ng gasolina.
Mayroon ding estimated na dagdag mula P0.50 hanggang P0.70 kada litro ng kerosene; at umento na P0.20 kada litro ng diesel.
Una nang nag-abiso nitong Biyernes ang mga kumpanya ng langis na magro-rollback sa presyo ng diesel ngunit hindi ito natuloy.