Presyo ng piling brand ng patis at evaporated milk tumaas ayon sa DTI

CAMARINES NORTE – Nakapagtala ang Department of Trade and Industry (DTI) ng pagtaas sa piling brand ng patis at evaporated milk sa merkado.

Ayon kay Consumer Protection Division Head Gary Rafanan ng DTI Camarines Norte, as of September 27, 2023 naitala ang bahagyang pagtaas ng isang brand ng evaporated milk na 410 ml.

Mula sa P44 noong mga nakaraang araw tumaas ito ng bahagya sa P44. 25.

Pero kung sentimo lang ang naitalang pagtaas sa isang brand ng evaporated milk mas malaki ang itinaas sa presyo ng patis.

Ang isang brand nito na P350 ml na dating P23 ay P25 na ngayon o nakapagtala ng dalawang pisong increase sa presyo.

Sabi ni Rafanan pasok pa sa itinatakd ng Suggested Retail Price ang naitalang increase sa mga nabanggit na produkto.

Samantala, wala namang naitalang pagtaas sa presyo ng iba pang mga produkto na minomonitor ng DTI tulad ng bottled water, meat loaf, corned beef, canned sardines instant noodles at iba pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *