Presyo ng produktong petrolyo sa bansa, posibleng pumalo sa 100 piso kada litro

Hindi inaalis ng Department of Energy (DOE) ang posibilidad na umabot sa isang daang piso ang kada litro ng gasolina at diesel sa bansa sa mga susunod na linggo.

Sa isang panayam, sinabi ni Energy Undersecretary Gerardo Erguiza Jr., na posibleng mangyari ito ngunit hindi sa isang bagsakan o isang price hike lamang.

Ipinaliwanag ni Erguiza na kung base sa isang ‘dramatic extreme reason’, hindi mangyayari ang P100 sa isang biglaang pagtaas.

Ipinunto naman ng opisyal na marami pa ring factors ang nakakaapekto sa presyo ng langis sa bansa ngunit wala naman itong binanggit na partikular na dahilan.

Mababatid na bukas ay aasahan naman ang mahigit tatlong pisong dagdag sa kada litro ng diesel at 80 centavos sa gasolina.

Base sa datos ng DOE, pumalo na sa P41.15 ang napadagdag sa presyo ng kada litro ng diesel sa bansa simula noong Enero habang P28.70 naman sa kada litro ng gasolina.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *