Presyo ng sili sa Metro Manila, umabot na sa P800 kada kilo

Lalo pang umangat ang presyo ng sili sa Metro Manila, dahil sa patuloy na pagbaba ng supply.

Batay sa pinaka bagong monitoring ng Department of Agriculture, umaabot na sa P500 hanggang P800 ang kada kilo ng siling labuyo sa mga merkado sa Metro Manila.

Ayon kay Bureau of Plant Industry (BPI) deputy spokesperson Henry Esconde, naghahanap na sila ng mga lugar na pwedeng magsupply ng sili sa Metro Manila upang bumababa ang presyo nito sa mga susunod na buwan.

Sinabi pa niya, na isa rin sa nakakaapekto sa presyo ay ang pagtaas ng farmgate price ng sili sa mga lugar na may mataas na produksyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *