Price ceiling sa bigas imposible pang masunod bukas- NCPM Rice Association President

NAGA CITY – Imposible pang maipatupad bukas sa Naga City People’s Mall na magkaroon ng P41.00 na presyo sa regular milled rice base sa price ceiling na ibinigay ng gobyerno base sa Executive Order no. 39.

Base sa  Executive Order 39 ang regular milled rice ay hindi maaaring lumagpas sa  P41/kilo habang ang well-milled rice ay P45/kilo.

Makakasuhan ang sinumang hindi sumunod, maaari pang magmulta ng P5, 000.00 o kaya makulong ng anim na taon.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Mercy Morano, Rice Association President sa NCPM, ang P45.00 na presyo ng bigas sa well milled ay kaya sana, ngunit imposible aniya ang P41.00 lalo na ngayong dati pang stock at matataas pa ang presyo ng bigas nila. Malaking kalugihan lalo na marami pang gastusin.

Handa naman daw silang sumunod kaya lamang panawagan nito sa pamahalaan na bigyan sila ng mababang presyo ng bigas upang makapagbenta sa presyong gusto ng gobyerno.

Sa ngayon nasa P45.00-P47.00 ang regular rice at P48.00 hanggang P50.00 ang well milled rice.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *