Price freeze sa LPG, kerosene sa mga lugar na nasa state of calamity re: ‘Odette’

Pinaalalahanan ng gobyerno ang mga concerned stakeholders kaugnay sa kasalukuyang ipinapatupad na 15-day price freeze sa liquefied petroleum gas at kerosene products sa mga lugar na isinailalim sa state of calamity, matapos ang pananalasa ng Bagyong Odette.

Sa pahayag ng Department of Energy, alinsunod sa December 17, 2021 declaration ng State of Calamity (SOC) sa ilang lugar, ang price freeze sa household LPG at kerosene ay epektibo na.

Ibig sabihin, 15 araw mananatili ang presyo matapos ang deklarasyon ng SOC, kung saan walang mangyayaring pag-galaw sa mga presyo ng naturang mga produkto.

Mababatid na mula Dec. 18, ang probinsya ng Bohol, Butuan City sa Cebu province, Jose Panganiban sa Camarines Norte, at Cebu City ay nasa ilalim ng state of calamity.

Una nang nanawagan ang DOE sa oil industry stakeholders na simulan ang monitoring sa mga presyo, bago ang pananalasa ng bagyo sa Visayas at Mindanao. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *