Price guide sa noche nuena products na ilalabas ng Central Office hinihintay pa ng DTI Provincial Field Office

CAMARINES NORTE – Naghihintay pa ng ilalabas na price guide mula sa central office ang tanggapan ng Department of Trade and Industry (DTI) Provincial Field Office sa mga noche Buena products.

Ayon sa DTI Camarines Norte Provincial Field office, ito umano ang magiging batayan nila ng gagawing monitoring sa mga produktong pang noche Buena.

Kabilang dito ang ham, fruit cocktail, cheese, keso de bola, sandwich spread, pasta, iba’t- ibang klase ng macaroni, spaghetti sauce, tomato sauce at all purpose cream.

Kadalasang naglalabas ng price guide ang central office sa ikatlong linggo ng Nobyembre tulad noong nakaraang taon.

Dahil dito hindi pa umano masabi ng DTI Provincial Office kung mayroong pagtaas o wala sa mga nabanggit na produkto sa mga grocery store sa lalawigan.

Nilinaw din ng ahensiya na price guide ang tawag sa mga nabanggit na produkto at hindi suggested retail price o SRP.

Hindi kasi kasama ang mga ito sa basic and prime commodities dahil ang mga noche Buena products ay seasonal.

Pero nauna nang nagbiso ang DTI central office  noong Lunes na asahan na ng mga mamimili ang pagtaas ng noche Buena meat pro­ducts dahil sa 15% hanggang 20% na itinaas sa production cost ng meat processors,

Ito’y makaraang makipagpulong ang DTI sa mga meat processors bilang paghahanda na rin sa darating na Christmas season. Paglalarawan ni DTI Assistant Secretary Mary Jean Pacheco sa isang public briefing, na‘very minimal’ lang ang ipinatong na dagdag sa presyo ng meat products tulad ng iba’t-ibang klase ng hamon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *