Price hike sa mga Noche buena products, posible ngayong taon – DTI

Posible umanong tumaas ang presyo ng mga noche buena products ngayong Kapaskuhan sa kabila ng nararanasang pandemya.

Ayon kay Trade Undersecretary Ruth Castelo, ito ay matapos na humiling sa kanila ang mga manufacturer at supplier ng price increase.

Isa sa mga inaasahang tataas ay ang hamon dahil humirit ang Philippine Association of Meat Processors Inc. o PAMPI na dagdag-presyo nito.

Napag-alamang 2019 pa huling gumalaw ang presyo ng hamon sa mercado.

Tiniyak naman ng PAMPI na may sapat na supply ng hamon ngayong Kapaskuhan.

Dagdag pa ni Castelo, walang pagtaas ng presyo ng hamon mula pa noong nakaraang taon dahil sa kahilingan ng ahensya sa mga manufacturers.

Kaugnay nito ay nakatakdang ilabas ng DTI sa katapusan ng Oktubre ang bagong price adjustments sa mga noche Buena products.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *