‘Pride at honor’, nakikitang mga rason ng COMELEC kung bakit mayroon election-related violence

Ipinaliwanag ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Garcia na ang posibleng rason sa election-related violence ay ‘pride’ at ‘honor.’

Ayon kay Garcia, gusto ng ibang pa-backout-in ang ilang mga kandidato; habang kinekwestyon naman ng iba ang pagtakbo ng ilang kandidato.

Kung maaalala, una nang ibinahagi ng opisyal na nakapagtala na sila ng 22 kumpirmadong election-related violence.

Sinabihan na rin umano ng mga ito ang PNP na dapat may certainty ng arrest kung hindi man hot pursuit kaagad sa mga responsible sa mga naturang klaseng krimen.

Kaugnay nito ay nagdagdag na ng kumulang 1,000 na pwersa ang kapulisan at AFP na nagmula sa iba’t ibang rehiyon, upang matiyak na matutugunan ang problema sa election-related violence.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *