Prime Minister ng India, sinigurong pananagutin ang responsable sa madugong “train crash” sa Odisha

NANINDIGAN si India’s Prime Minister Nanindra Modi na mayroong mananagot sa nangyaring madugong salpukan ng tren sa Odisha, India.

Ayon sa opisyal, ang nagpapatuloy na imbestigasyon ay nakasentro na umano ngayon sa computer controlled management system, na umano’y pumalya at itinuturong sanhi ng aksidente.

Kahapon araw ng Linggo, natapos na ang pag rescue at operasyon ng mga otoridad kung saan batay sa pinakahuling tala, nasa 275 na ang mga nasawi habang mas nadagdagan pa ang mga sugatan na nasa kabuuang, 1,200.

Samantala, siniguro naman ng mga opisyal sa lugar na makakatanggap ng 1 millon rupees ang pamilya ng mga nasawing biktima; 200,000 rupees para sa mga lubhang nasugatan habang 100,000 rupees naman ang ibibigay sa mga may minor injuries.

Wala namang Pinoy na naiulat na napabilang sa mga biktima.### JUMEL DELA ROSA, (Reuters)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *