Prime water Daraga inilatag ang mga plano para sa dagdag na water tariff adjustment

LEGAZPI CITY -Inilatag ng Prime Water ng Daraga ang kanilang mga plano para matugunan ang kakulangan o pawala wala ng supply ng tubig sa mga kabahayan ng Daraga.

Sa isinagawang public hearing kahapon ipinaliwanag ni Engineer Irvin Pares ng Prime Water Daraga, isa sa kanilang proposed project ay ang Busay Source Development upang mapataas pa pressure and water availability kung saan ang magiging benepisyaryo nito ang Barangay Cullat, Bagumbayan, Sipi, Ilawod Sagpon, Maroroy at iba pang barangay.

Dagdag pa nito kasama rin sa kanilang proposed project ang Anislag Pipelaying and source development, Pipe Replacement at Barangay Busay hanggang Barangay Bañag, at marami pang iba.

Aabotin ng P111.4M ang kinakailangan na pondo rito upang mapabilis ang water operation ng Prime water at Daraga Water District.

Target rin ng pribadong kompanya na mapaganda ang pressure o daloy ng tubig sa mga barangay na nasa north area, south area at northwest na gawing 6-10psi kung kayat maaari na umanong makaakyat na ng 2nd floor ang supply ng tubig.

Dahil dito magkakaroon ng Water Tariff adjustment ang primewater para sa kanilang proposed project upang mapagaan ang ginagawang pang araw araw Sinabi ng opisyal, taon 2010 pa ang huling tariff adjustment ng Daraga Water District dahil dito kinakailangan na rin dagdag singil sa tubig sa kadahilanan na rin na patuloy ang pagsipa ng preayo ng gasolina at mahal ang mga bilihin sa merkado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *