Primewater nilinaw na hindi bibibiglain ang pagpapatupad ng cashless transactions

CAMARINES NORTE – Nilinaw ng pamunuan ng Primewater Camarines Norte na hindi nito bibiglain ang pagpapatupad ng cashless transaction.

Ito ay sa gitna ng  pag- alma ng  mga kunsomidores makaraang inanunsiyo ng kumpanya na hindi na ito tatanggap ng over the counter payment sa kanilang opisina dito sa bayan ng Daet sa halip ay magiging online na lang.

Ayon sa mga opisyal ng Primewater “gradual’ o hindi bibiglain ang pagpapatupad nito o posibleng abutin ng dalawa hanggang tatlong buwan.

Nanindidan naman ang kumpanya na mas mabilis, at mahusay ang cashless transactions kumpara sa traditional cash transactions na nakasanayan.

Ang pagbabayad ay maaaring agad na i- proseso kung saan mababawasan ang waiting time at hindi na dadagsa ang mga mga magbabayad sa billing counter ng opisina.

Sa pamamagitan umano nito ay hindi na kakailanganin pang gumastos ng pamasahe ng kunsomidores sa pagbabayad ng bill dahil pwede na itong gawin online.

Kaugnay nito ay hinihimok ang mga kunsomidores na gamitin ang Primewater app o magbayad sa kanilang partner payment apps.

Sa mga hindi naman gaanong “teki” o hindi marunong sa gadget kaya ayaw ng cashless transaction, huwag daw mag- aalala dahil mayroong mga Barangay Payment Partner ang Primewater at Camarines Norte Water District sa iba’t- ibang barangay sa lalawigan.

Sa ngayon ay mayroon na umano silang 39 na BPP at madadagdagan pa ito.

Ang BPP program ay isang joint initiative ng CNWD Primewater na layong magbigay ng ligtas at maayos na serbisyo sa mga kunsomidores.

Isa itong local- based payment program na makakatulong para ma- maximize ang role ng small scale entrepreneurs sa lalawigan.

Sinubukan ng Brigada News FM Daet na makapanayam ang bagong Branch Manager ng Primewater na si Engr. Johnson Chan pero tumanggi muna itong magbigay ng pahayag.

Epektibo ang appointment ni Chan bilang bagong Branch Manager ng CNWD noong July 21.

Kahapon, ang unang pagkakataon na dadalo ito sa Board Meeting. Pinalitan ni Chan si Engr. Mark Anthony Muroda na pitong taon ding naging head ng Villar- owned company sa lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *