Princess of Wales, nakausap si Ukraine’s first lady sa Buckingham Palace

Nakausap ni Catherine, Princess of Wales si Olena Zelenska, ang First Lady ng Ukraine, sa Buckingham Palace, bago ang state funeral ni Queen Elizabeth.

Si Zelenska ang kinatawan ng Ukraine para sa asawang si President Volodymyr Zelenskiy sa Westminster Abbey, kung saan makikiisa rin ang mga world leaders kay King Charles at iba pang miyembro ng royal family ng Britain para sa service.

Si Catherine at asawang si William ay nabigyan ng titulo bilang Princess at Prince ng Wales, matapo sna sumalo sa trono ang amang si Charles, sampung araw na ang nakakaraan.

Samantala, daan-daang foreign royals at lider ang inaasahang dadalo sa state funeral ni Queen Elizabeth II sa London, na isa sa pinakamalaking diplomatic gatherings sa loob ng nakalipas na ilang dekada,

Kaugnay nito, ang Westminster Abbey ay mga space para sa 2,000 katao at halos 500 heads of state at foreign dignitaries at ng kanilang partners.

Dadalo din sa first state funeral sa nakalipas na anim na dekada, ang miyembro ng pamilya ng reyna, courtiers, public figures at UK politicians.

Leave a Reply

Your email address will not be published.