Printed computerized voter’s list masasayang kung hindi matutuloy ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Disyembre.

CAMARINES NORTE- Nakahanda at printed na ang Election Day Computerized Voter’s List (EDCVL) at Posted Computerized Voter’s List (PCVL) na gagamitin para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Disyembre nitong taon.

Hindi nga tumigil ang Comelec sa paghahanda kahit pasado na sa kongreso ang batas na nagpapaliban dito at pirma na lang ng Pangulo ang hinihintay.

Sa tanggapan ng Comelec sa bayan ng Basud ay makikitang handa na ang EDCVL at PCVL na kamakailan ay na verify at na certify na ng Election Registration Board (ERB).

Ayon kay Election Officer III Annelyn Abanes tuloy- tuloy ang gagawing paghahanda ng Comelec sa halalan sa Disyembre hangga’t walang batas na nagpapaliban dito.

Ganito rin ang sitwasyon sa Comelec- Mercedes kung saan makikitang naisaayos na ang EDCVL at PCVL.

Pero ayon kay Election Officer III Emily Basilonia masasayang ang mga ito kung maipagpapaliban ang halalan sa Disyembre dahil hindi na ito magagamit.

Ang magagamit lang aniya ay ang mga naiimprentang balota

Sa ngayon ay wala pa naman umanong schedule ng pagsasanay ng mga guro na magsisilbi sa eleksyon.

Wala pa rin umanong dumarating na mga Certificate of candidacy (COC) form.

Batay sa Comelec Resolution No 10846, nakatakda ang paghahain ng COC sa October 22 – 29, 2022.

Magsisimula naman ang Election period sa November 6 hanggang December 20, 2022 kung kailan naman iiral ang mga prohibited acts.

Batay sa datos ng Comelec nasa 147, 827 ang total number of SK registered voters sa Camarines Norte habang nasa 537, 372 ang total registered voters na maaaring bomoto pareho sa SK at Barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *