Priority groups na naturukan ng boosters, 3rd doses, higit 102k na

Pumapalo na sa mahigit 102,000 booster shots at third doses ang naibigay ng gobyerno sa priority groups.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nagsimula na ang lahat ng rehiyon na magturok ng naturang doses para sa healthcare workers, senior citizens, at immunocompromised individuals.

Una nang ipinaliwanag ng DOH na ang booster doses ay ibinibigay dahil sa bumababang immunity, ilang buwan matapos ang primary course ng vaccination, habang ang third doses ay ibinibigay para sa mga taong hindi nakakuha ng sapat na immunity laban sa sakit, sa kabila ng pagiging fully vaccinated.

Ang rollout ng booster shots para sa mga health workers ay nagsimula noong November 17, habang ang administration ng boosters at third doses ay inilunsad para sa matatanda at immunocompromised individuals noong November 22.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *