‘Prisoner swap’ ng US at Iran itinanggi ng America

Inakusahan ng America ang Iran ng “cruel” false claims na napagkasunduan ang palit-preso sa pagitan ng dalawang bansa.

Una kasing sinabi ni Iranian Foreign Minister Hessein Amir-Abdollahian na isang kasunduan ang nabuo ay inaasahang maisasakatuparan sa mga susunod na araw.

Sinabi nitong handa na sila sa panig ng Iran habang ang America ay kasalukuyan pang naghahanda para sa final technical coordination.

Sa kabilang banda, itinanggi ito ng White House Security Spokesperson kasabay ng pagsasabing tila hindi nagdalawang-isip ang Iranian officials na maglabas ng gawa-gawang kasunduan.

Ipinaliwanag ng White House na posibleng magdulot ng sakit ng loob sa mga apektadong pamilya.

Sa kabila ng pagtanggi ng America, kinumpirma naman ng isang opisyal na committed sila sa pag-secure ng pagpapalaya sa mga Amerikanong nakakulong sa Iran kabilang sina Siamak Namazi, Emad Shargi at Morad Tahbaz. (LNM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *