Private hospital group sa DOH: Tigilan ang pag-gamit sa COA re: Delayed OCA

Umapela ang private hospital group sa Department of Health (DOH) na linawin ang kanilang demand sa health facilities na pagsusumite ng liquidation reports bilang pre-condition para sa pagpapalabas ng benepisyo para sa mga health workers, na ilang buwan nang naantala.

Ayon kay Dr. Rene Jose de Grano, presidente Private Hospitals Association of the Philippines (PHAPI), na tigilan na ng DOH ang pag-gamit sa Commission on Audit (COA) bilang excuse para sa kanilang late distribution ng One COVID-19 Allowance.

Nagtataka din si de Grano, kung nasaan ngayon ang pera, dahil una na umanong sinabi ng ahensya na na-download na nila ang halaga sa iba’t-ibang DOH Centers for Health Development sa iba’t-ibang rehiyon.

Giit kasi nito, wala namang dumating na pera sa iba’t-ibang probinsya o ospital na sinasabi ng DOH.

Para sa naturang grupo, tila kakaiba rin para sa gobyerno na humingi ng liquidation report mula sa mga ospital para sa allowances na kanilang ibinibigay, maliban na lamang umano kung ibang requirement ang hinihingi ng DOH, bagay na dapat nilang linawin. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published.