Local News

PRO 12 namigay ng mga armas, equipment sa mga lower units

KORONADAL CITY- MAHIGIT sa 200 mga armas at equipment ang itinurn-over ng Police Regional Office 12 o PRO 12 sa mga police stations at lower units nito kamakailan lamang.

Ito ay kinabibilangan ng 100 units ng Basic Assault Rifle, 71 units ng ballistic helmets, at 36 units ng tablet computers.

Ang blessing at turn-over ng naturang mga armas ay pinangunahan ni deputy regional director for administration Police Brigadier General Rolando Destura.

Ang mga ito ay tinanggap ng mga Provincial Police Offices, Command Group, Regional Headquarters Division at Regional Mobile Force Battalion 12.

Inihayag ni PNP 12 regional director Police Brigadier General Jimili Macaraeg na ang ipinamahaging logistical support ay inaasahang makakapagpalakas sa mga hakbang ng mga lower units sa pagsiguro sa kaligtasan ng publiko at pagpapanatili sa peace and order sa Soccsksargen.

BNFM Koronadal

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

14 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

14 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

14 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

14 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

14 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

15 hours ago