PRO 2 Director Pbgen. Ludan, nagpapaalala sa mga pulis sa comelec checkpoint na maging alerto

Pinaalalahanan ni PRO 2 Regional Director PBGen. Steve Ludan ang mga kapulisan na nakatalaga sa mga COMELEC checkpoint na manatiling alerto sa kanilang pagbabantay at paggampan ng tungkulin.

Ito ay kasunod ng unang araw ng implementasyon ng gun ban sa buong bansa nagsimula kahapon, January 9, 2022 at magtatagal hanggang June 8, 2022.

Ito umano ay upang maging handa ang kapulisan sa mga posibleng pag-atake ng mga masasamang loob.

Ayon sa Director, dapat na sundin ng mga ito ang mga alituntunin na nakasaad sa Police Operational Procedure Manual at panatilihing maging magalang sa mga motorista.

Sa unang araw ng Election Gun Ban sa rehiyon ay nagsagawa ng inspeksyon ang Heneral kasama si COMELEC Regional Executive Director Atty. Julius Torres at iba pang opisyal ng PNP at Philippine Army.

Nagtungo sila sa boundary sa Tuguegarao City at ibang bayan sa Cagayan hanggang sa boundary checkpoint ng Isabela sa bayan ng San Pablo.

Ayon sa PRO 2, naging mapayapa at wala namang naitalang violation sa gun ban sa mga checkpoint sa mga nabanggit na lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *