PRO-3, top priority ang pag resolba sa kaso ng pag patay kay kapitan Liang ng City of San Fernando, Pampanga

Tiniyak ng Police Regional Office o PRO-3 na top priority nila sa ngayon ang pag resolba sa kaso ng pag patay sa kapitan ng Sto Rosario sa City of San Fernando na si Jesus Liang.

Ayon kay PRO-3 Regional Director PBGen Cesar Pasiwen, iniutos na nya ang pagsasagawa ng malalimang imbestigasyon at tingnan ang lahat ng posibleng anggulo at motibo sa krimen.

Kaugnay nito nasa proseso na ng pangangalap ng mga ebidensya at CCTV footages ang pulisya na makakatulong para matukoy ang suspek sa pamamaril.

Nagpahayag rin ng pakikiramay si Pasiwen sa pamilyang iniwan ng Kapitan.

Matatandaang Martes ng gabi nang barilin si Liang sa ulo habang naglalakad sa market plaza.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *