PRO3 ipinag utos na ang malalimang imbestigasyon sa naganap na pagsabog sa arsenal ng DND sa Bataan

Agad ipinag utos ni Police Regional Office 3 Director PBGEN Valeriano De Leon ang malalimang imbestigasyon, kaugnay sa naganap na pagsabog sa arsenal ng Department of National Defense o DND sa bayan ng Limay, Bataan na nag iwan ng dalawang patay at dalawang sugatan.

Kinilala ng pulisya ang mga nasawing biktima sa naganap na pagsabog na sina Ricardo Solomon at Marvin Tatel, habang ang mga sugatan naman ay kinilalang sina Macreldo Rodriguez at Allan Wisco.

Sa initial na imbestigasyon ng mga otoridad, sumabog ang mga explosive chemicals sa arsenal na nag resulta sa pagka-damage ng iba pang makinarya.

Sinabi ni Bataan Police Provincial Office Director PCOL Joel Tampis, na nagsagawa agad ng imbestigasyon ang Crime Lab at EOD Bataan sa pinagyarihan ng insidente

Habang sa inilabas na phayag ni De Leon, sinabi nito maglalabas din ng report para sa final investigation ang Bureau of Fire kaugnay ng sanhi ng pagsabog at kabuaang halaga ng mga napinsala.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *